Dahil sa kawalan ng trabaho at kakayahang-pinansyal, karamihan ng mga pamilya sa Manila North Cemetery (MNC) ay nabalot ng takot nang inanunsyo ng gobyero ang lockdown ng buong Kalakhang Maynila (at kalaunan ay buong Luzon) upang mapigil ang mabilis na pagkalat ng coronavirus, na nagdudulot ng nakamamatay na sakit na kung tawagin ay coronavirus disease o Covid-19.

Hindi handa ang mga taga-MNC sa ganitong sitwasyon kayat walang kasiguruhan kung saan sila kukuha ng kanilang kakainin at ikabubuhay sa susunod na isang buwan na itatagal ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Ito ay pinalawig pa at naging isa’t kalahating buwan.

Si Allyn Figueroa ay isa sa mga iskolar o pinag-aaral ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na lubos na naapektuhan ng ECQ. Ayon na kanya, hindi handa para dito ang kanyang pamilya. Wala silang ibang pagkukunan ng pera upang makabili ng kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Sa panahong ito ng lockdown ay natuto silang umasang maitawid ang kanilang pang-araw-araw na pangagailangan sa pamamagitan ng diskarte na lamang, lalo pa’t hindi sa kanila umaabot ang ipinangakong ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Hindi lamang naman sila kundi ang lahat ng miyembro ng kanilang komunidad Wala silang ibang magawa kundi ang maghintay na lamang ng matatanggap na tulong mula sa mga mabubuting-loob na nagbibigay sa kanila ng mga pagkain.

Sa mga ganitong panahon ay ramdam na ramdam nila ng kawalan ng pag-asa. Hindi nila alam kung paano nila kakayanin ang kasalukuyang banta dahil ngayon pa lamang nila naranasan ang malagay sa ganitong sitwasyon.

Ang tanging nagbibigay sa kanila ng pag-asa ay ang mangilan-ngilang mabubuting-loob, na kabilang na rito ang KKFI. Kaya nga’t abut-abot ang pasasalamat ni Allyn sa KKFI. Ang tangi niyang maisusukli, aniya, ay ang maging isa sa mga volunteer na tumutulong sa paghahanda ng mga food pack na ipinamimigay sa mga komunidad sa MNC at Tondo.

Aniya, napakasarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Hindi niya alintana ang init at pagod dahil sa mga matatamis na ngiti at pasasalamat ng mga taong napagbibigyan niya ng mga food pack.

Ang KKFI, dagdag niya, ang nagpabago ng kanyang perspektiba sa buhay, lalo na sa panahon ng matinding pagsubok: Maaaring mapaghamon ang panahon ngunit hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil may mga taong bukas ang puso at nakahandang tumulong sa kanilang kapwa.

Featured Posts
Tulungan natin ang mga nasunugan.
Mga miyembro at opisyal ng NHOAI nagpapasalamat sa KKFI.
Nagpapasalamat sa KKFI.
Ang pagtulong ay bukal sa puso bilang pagtanaw ng utang na loob.
Tulong sa nangangailangan
Isa sa pinakadisaster-prone na bansa ang Pilipinas ngunit mga tao ay may malasakit sa isa't isa.
KKFI Social Worker talks about helping the needy.
KKFI Social Worker responds to CoVID crisis.
Maliit man ang papel na ginampanan, laking tulong pa rin sa kapwa.
Doing something for the less fortunate.
Helping the less fortunate
KKFI is a home because like in my place in province, I can freely do whatever I want – meditate, study, rest, recreate…, less distraction.
Residents choose KKFI because it is their "home away from home."
KKFI at 69 is staying sharp and feeling fine.
Ageing is being dreaded but KKFi at 69 remains to be vigorous and alive.
Pagtuturo'y may saya kahit ang eskwela ay nasa gilid ng kalsada.
These youth have experienced bullying and discrimination from their schoolmates and teachers. Their light might be dimmed but with KKFI they found the courage continue to shine.
Sa tulong ng KKFi, naabot ko ang aking mga pangarap.
I am very excited to meet our benefactor.
The history of LikhAral
A KKFI scholar's story of transformation
Nagbigay ang Smarter Good ng desktop computers sa mga ALS learners