“Hindi Covid ang papatay sa amin kundi gutom.”

Ito ang himutok ng isang residente ng Manila North Cemetery (MNC) noong kasagsagan ng “lockdown” na pinatupad ng mga kinauukulan simula Mayo 17 sa pagtatangkang pigilan ang nakamamatay na sakit dulot ng coronavirus.

Limitado sa loob ng bahay ang mundo niya. Isang miyembro lamang ng pamilya nila ang binigyan ng “quarantine pass” upang maaari itong lumabas ng bahay upang bumili ng makakain, gamot at mga gamit panglinis. Hindi maaaring bumiyahe kahit sa kabilang barangay lang. Mahigpit ang pagpapatupad ng “curfew.”

Hindi nga makita sa liit ang coronavirus pero gabundok naman ang epekto nito. Nandyan na ang pagkasira ng ekonomiya hindi lamang ng Pilipinas kundi ng mundo, ang paglaganap ng mga isyu sa mental health, at paglala ng paglabag sa karapatang-pantao, lalo na sa aspeto ng eksploytasyong sekswal.

Nag-“panic buying” ang mga tao. Nalimas ang mga de-lata sardinas at alcohol. Pero hindi sa mga taga-MNC o mahihirap na parte ng Tondo. “Panic” lang sila; walang “buying.” Makakapag-imbak ba kung walang pera?

Naistorbo nang lubusan ang ikot ng buhay ng mga tao sa mga komunidad na nabanggit. Kung ako nga ay apektado na rin ng nangyayari. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa pandemya na ito. Kinakabahan ako na baka magka-Covid-19 sinuman sa mga mahal ko sa buhay o ako mismo. Malayo pa naman sa aking piling ang aking panganay na anak at mga magulang. Sa probinsya sila nakatira.

Nakararamdam ako ng “guilt” kasi ang pakiramdam ko ay limitado ang naitutulong ko sa aking pamilya at maging sa mga taong pinaglilingkuran ng Kapatiran -Kaulanran Foundation Inc. (KKFI), kung saan ako ay naglilingkod bilang isang social worker.

Kinukumusta ko naman ang ilang beneficiary at ganito lagi ang sagot nila: “Okay naman po kami, pero hindi pa po kami kumakain ng almusal”

Pangangalakal, paglilinis ng nitso, pagtitinda ng bulaklak ang karaniwang mga trabaho ng mga nakatira sa loob ng MNC, isang sementeryo. Maliit ang kanilang kinikita, kasing liit ng coronavirus, ngunit dahil sa pandemya ay nawala pa ito nang tuluyan.

Gutom ang kasunod, ano pa nga ba? Paano na?

Kaya agad nagsagawa ng “relief distribution” ang KKFI sa MNC at Tondo. Nangalap kami ng resources, naglista ng mga bibilhing mga pagkain at gamit na ipamimigay bilang relief goods, nagtawag sa mga grocery store na maaaring mag-deliver ng mga ito sa KKFI compound, nag-pack ng goods, nagplano ng sistema ng distribusyon, at ipinatupad ang mga ito.

Ito ang pinagkaabalahan ko sa mga unang linggo ng lockdown. Nakita ko ang ispiritu ng bayanihan sa mga staff ng KKFI. Ganito nila kagustong makatulong sa mga tao. Kaya naging masaya na rin ako sa panahong ito.

Sino ang hindi tataba ang puso? Lalo na kung maririnig mo ang taus-pusong pasasalamat ng mga natutulungan dahil sa nadismaya na sila sa kanilang mga karanasan sa panahon ng pandemya.

“Relief? Ang ganda pakinggan, ano? Masaya. Mas masaya sana kung nakakarating sa amin,” buntong-hininga ng isang residente.

May mga bagay talagang hindi mabago-bago, kahit pa sinalanta na ang mundo ng isang matinding pandemya. Isa na dito ang pamumulitika.

Ngunit may mga institusyon din, tulad ng KKFI, na ang hangad talaga ay makatulong nang hindi iniisip ang pangsariling interes.

Dahil sa isinagawa naming “relief distribution” ay napawi ang gutom marami-rami ring pamilya, karamihan ay ng mga beneficiaries ng KKFI.

Bilang social worker, responsibilidad kong maiparamdam sa mga nangangailangan na karamay nila ako sa panahong ito ng pandemya. Maaaring natali ako sumandali ng pandemyang ito sa kagustuhan kong tumulong, pero hahanap at hahanap ako ng paraan upang maisagawa ko ang kagustuhan ng aking damdamin.

Sa simpleng paglalaan ng kaunting oras at lakas upang makatulong sa “relief operation” ng KKFI ay malaking bagay na pala sa taong nagugutom.

Featured Posts
KKFI: Transforming lives and communities
Join us in KapatiRUN to raise funds for noche buena packages for 500 families in the Manila North Cemetery, Tondo and Pulilan.
Join us in KapatiRUN to raise funds for noche buena packages for 500 families in the Manila North Cemetery, Tondo and Pulilan.
Ang mga tao ay nagsabing "Mamamatay sila sa gutom ngayong pandemic."
Damayan is sharing.
Teacher tells her experience with the new normal
Naging aktibo sa aktibidades ng KKFI.
Responding positively to the COIVD-19 pandemic.
Like Alice in Wonderland, Allysa learned something from the hole called COVID-19 pandemic.
Gilead staff are gearing up for the new normal.
KKFI will not give up on the youth.
Reposted from United Methodist News Service
KKFI: COVID-19 Chronicles documents our response to the pandemic.
Tulungan natin ang mga nasunugan.
Mga miyembro at opisyal ng NHOAI nagpapasalamat sa KKFI.
Nagpapasalamat sa KKFI.
Ang pagtulong ay bukal sa puso bilang pagtanaw ng utang na loob.
Tulong sa nangangailangan
Isa sa pinakadisaster-prone na bansa ang Pilipinas ngunit mga tao ay may malasakit sa isa't isa.
KKFI Social Worker talks about helping the needy.
KKFI Social Worker responds to CoVID crisis.
Maliit man ang papel na ginampanan, laking tulong pa rin sa kapwa.
Doing something for the less fortunate.
Helping the less fortunate
KKFI is a home because like in my place in province, I can freely do whatever I want – meditate, study, rest, recreate…, less distraction.
Residents choose KKFI because it is their "home away from home."
KKFI at 69 is staying sharp and feeling fine.
Ageing is being dreaded but KKFi at 69 remains to be vigorous and alive.
Pagtuturo'y may saya kahit ang eskwela ay nasa gilid ng kalsada.
These youth have experienced bullying and discrimination from their schoolmates and teachers. Their light might be dimmed but with KKFI they found the courage continue to shine.
Sa tulong ng KKFi, naabot ko ang aking mga pangarap.
The history of LikhAral
A KKFI scholar's story of transformation
Nagbigay ang Smarter Good ng desktop computers sa mga ALS learners