Sa kalagitnaan ng pandemyang Covid-19, isa pang trahedya ang bumulabog sa mga taga-Barangay Longos sa bayan ng Pulilan sa lalawigan ng Bulacan. Ang partikular kong tinutukoy ay ang “dumpsite area” na tinaguriang “Looban.”

Ang kalunos-lunos na pangyayari ay naganap nitong nakaraang ika-26 ng Agosto. Hindi pa matunton ang pinagmulan ng sunog.

Sa pangyayaring ito, 28 pamilya ang naapektuhan. Malaking dagok ang kaganapan na ito sa gitna ng pandemya kung saan patuloy na naghihirap ang marami nating kababayan. Dagdag pa rito ang paghahanda ng mga estudyante sa nalalapit na online class sa Oktubre.

“Wala po natira,” ito ang tatlong salitang nasambit ni Archie Miralles pagkatapos ng sunog.

Naging abo ang kanilang mga tahanan. Ang mga pinagpaguran ng ilang taon ay nawala sa isang iglap.

Ang simoy ng hangin ay napalitan ng malalaking usok. Imbes na naghahabulan, nagpapatintero o nagtataguang-pung, ang mga bata’y matakbo palayo sa nagngangalit na apoy.

May ilan-ilang nakapagsalba ng damit, refrigerator o telebisyon at kung ano ang kanilang mabuhat sa gitna ng pagkataranta.

Hindi kalaunan ay naapula rin ang apoy. Malaking pasasalamat ng lahat ng walang natalang nawalan ng buhay, ligtas ang buong komunidad.

Ang susunod na hakbang ay ang pagbangon. Sunod-sunod ang paglabas ng mga larawan at panawagan sa social media. Isa sa mga rumespunde ay ang mga miyembro ng United Methodist Youth Fellowship (UMYF) ng Bulacan Philippines Annual Conference (BulPAC), sa pangunguna ni Felly Rose “Lucky” Policarpio.

Noong kinagabihan kasi ng trahedya ay nagkataong naka-iskedyul ang regular care group ng BulPAC-UMYF. Dahil dito nailatag ni Lucky ang nangyari sa Pulilan. Ang sumunod na mga pangyayari ay makikita kung paano buong-pusong naglaan ng oras at sakripisyo ang mga kasamahan niya.

Napuno ang 26-seater na jeep ng mga donasyon tulad ng gatas, diapers, canned goods, clothes at toiletries mula sa UMYF at iba’t ibang iglesiya lokal sa BulPAC.

Sunod-sunod ang tulong na natanggap ng mga taga Pulilan.  Bukod sa mga ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataang United Methodist na makausap at mapanalangin ang komunidad.

Nakilala ng mga UMYFer ng Bulacan ang KKFI at ang mga komunidad nito dahil noong Agosto 2019 ay nagtanghal ang Teatro Kapatiran sa 3rd National Youth Council Meeting ng National United Methodist Youth Fellowship. Dito ipinakita ang realidad ng buhay mula sa mga komunidad ng Tondo, Navotas, Manila North Cemetery at Pulilan, Bulacan.

“Naging eye opener sya sakin kuya na ganon pala ang realidad ng buhay nila and it moved me to have sympathy for them and to do something for them also,” ani Lucky.

Noong Disyembre 2020, nagpamigay ng pagkain at damit ang ilan pang mga UMYF mula sa WMPAC, TARPAC, PAC, CLPAC at MIDPAC para sa mga learner ng Alternative Learning System, Student Neighborhood Play at Teatro Kapatiran.

Nasundan pa ang pagtulong ng mga UMYF noong nagkaroon ng lockdown sa Metro Manila simula noong Marso at sunog sa Happyland noong Abril.

Ang simpleng presentasyon ng Teatro Kapatiran ay nagbukas ng oportunidad upang marinig at makita ang buhay na mayroon ang mga mahihirap. Nagbigay sila ng inspirasyon sa mga kabataan upang maging kahabagi sa pagtugon sa ministeryo kasama ng mga aba.

Kaya naman walang pag-aalinlangang tumulong ang BULPAC UMYF sa Pulilan dahil sa mga kwento ng pagsusumikap at pag-abot ng pangarap na kanilang nasaksihan.

Ito ang mga katagang ibinahagi ni Lucky na kanilang naging inspirasyon sa pangyayaring ito. “The overflowing love of Jesus Christ in our hearts that enable us to love these people; the desire to share what we have, and initiating in the best way we can because we are not just ‘young people’, we are the young people, chosen and inspired by God to serve Him, and; the sympathy for these Bulakeños who lost their homes in the midst of pandemic.”

Ang mga kwento ng Kapatiran ay patuloy na humihipo sa puso ng bawat isa. Sa hirap at tagumpay, tayo ay magkakaagapay. Hindi ang sakunang ito ang papatay sa kanilang mga pangarap, bagkus sa sama-sama nating pagkilos, tiyak na babangon muli ang mga taga-Pulilan.

Featured Posts
Education during the pandemic
Our mission is to help others.
It is never to late to change.
Try harder
A child blossomed in KKFI Supervised Neighborhood Play.
Psychosocial support
A mother's love
KKFI: Transforming lives and communities
Join us in KapatiRUN to raise funds for noche buena packages for 500 families in the Manila North Cemetery, Tondo and Pulilan.
Join us in KapatiRUN to raise funds for noche buena packages for 500 families in the Manila North Cemetery, Tondo and Pulilan.
Ang mga tao ay nagsabing "Mamamatay sila sa gutom ngayong pandemic."
Damayan is sharing.
Teacher tells her experience with the new normal
Naging aktibo sa aktibidades ng KKFI.
Responding positively to the COIVD-19 pandemic.
Like Alice in Wonderland, Allysa learned something from the hole called COVID-19 pandemic.
Gilead staff are gearing up for the new normal.
KKFI will not give up on the youth.
Reposted from United Methodist News Service
KKFI: COVID-19 Chronicles documents our response to the pandemic.
Tulungan natin ang mga nasunugan.
Mga miyembro at opisyal ng NHOAI nagpapasalamat sa KKFI.
Nagpapasalamat sa KKFI.
Ang pagtulong ay bukal sa puso bilang pagtanaw ng utang na loob.
Tulong sa nangangailangan
Isa sa pinakadisaster-prone na bansa ang Pilipinas ngunit mga tao ay may malasakit sa isa't isa.
KKFI Social Worker talks about helping the needy.
KKFI Social Worker responds to CoVID crisis.
Maliit man ang papel na ginampanan, laking tulong pa rin sa kapwa.
Doing something for the less fortunate.
Helping the less fortunate
KKFI is a home because like in my place in province, I can freely do whatever I want – meditate, study, rest, recreate…, less distraction.
Residents choose KKFI because it is their "home away from home."
KKFI at 69 is staying sharp and feeling fine.
Ageing is being dreaded but KKFi at 69 remains to be vigorous and alive.
Pagtuturo'y may saya kahit ang eskwela ay nasa gilid ng kalsada.
These youth have experienced bullying and discrimination from their schoolmates and teachers. Their light might be dimmed but with KKFI they found the courage continue to shine.
Sa tulong ng KKFi, naabot ko ang aking mga pangarap.
The history of LikhAral
A KKFI scholar's story of transformation
Nagbigay ang Smarter Good ng desktop computers sa mga ALS learners